Pagpapakasal at Pag Petisyon sa Pilipino

Table of Contents


Pagpapakasal sa Pilipinong Mamamayan

Lahat ng bansa ay mayroong kanya-kanyang batas para sa mamamayang nais magpakasal sa dayuhan o mamamayan ng ibang bansa. Ang pagpapakasal sa Pilipino na may layuning dalhin sila sa Canada upang doon manirahan ay may proseso na maraming hakbang.

Need the English version?

Kailangan mong ipakita sa mga opisyales na Pilipino na hndi ka kasalukuyang kasal sa kung sino man – kung hindi ka pa naikakasal o ang iyong pakikipag diborsyo ay tapos na – na ang iyong pagkakakilanlan ay napatunayan, at wala kang nagawang kahit anong krimen sa Pilipino. Ito ay magagawa sa pamamagitan ng pagbibigay ng iba’t-ibang dokumento kabilang na ang Affidavit of Single Status sa gobyerno ng Pilipino sa Pilipinas o sa pamamagitan ng embahada ng Pilipinas.

Pangunahing Kailangan sa Pagpapakasal sa Pilipino

Kapag magpapakasal sa isang Pilipina o Pilipino, tandaan na maging maingat sa pag aayos ng mga papeles at na ang pagpapakasal sa mga dayuhan ay sensitibong usapin sa Pilipinas. Naglabas ng bagong batas ang mga Mambabatas na kailangang patunayan muna ng mga dayuhan na nais magpakasal sa mamamayan ng Pilipinas ang kanilang kakayanan “moral” at pinansyal. Noong 1990, ang Anti-Mail Order Bride Law ay ipinasa sa Pilipinas upang ipagbawal ang tinatawag na marriage catalogs sa anyo ng imprenta. Kung saan ang mga Pilipina ay iniaalok ang kanilang sarili sa pagpapakasal, kagaya ng ginamit ng mga babae sa Silangang Europa. Ang kasanayang ito ay nagpatuloy online, gayunman, noong 2013 iminungkahi ang pagbabago na parusahan ang mga online na lumabag sa batas ng hindi bababa sa 12 taon ng pagkabilanggo at multa na 50,000 hanggang 100,000 Philippines Pesos (CAD$1,000 hanggang CAD$2,000 humigit-kumulang). Sa kasalukuyan, hindi parin malinaw kung ang batas na ito ay pinapairal – wari ito’y nananatiling legislative bill. Ngunit ang punto ay: ito ay isang sensitibong usapin, kaya maging maingat kung magpapakasal sa isang Pilipina, o Pilipino.

Ang mga proseso ay ang mga sumusunod:

Proof of Single Status/Patunay na Walang Asawa

Ang Canada ay walang Central Statistical Registry of Marriages. Ibig sabihin, upang mapatunayan sa kinauukulan ng Pilipinas na ikaw ay hindi pa naikakasal, kailangan mong magbigay ng Statutory Declaration ng iyong katayuang sibil/civil status, na nanotaryo sa embahada ng Canada sa Maynila, o konsulado sa Cebu, parehong nasa Pilipinas.

Para makakuha ng Statutory Declaration:

Ang Canadian Embassy ay matatagpuan sa:

Levels 6-8, Tower 2
RCBC Plaza
6819 Ayala Avenue
Makati City 1200
Manila

Hindi mo na kinakailangan na magpatala subalit kailangan mong magpakita sa oras ng consular services na:

  • Lunes – Biyernes 8:30 ng umaga – 12:00 ng tanghali para sa consular services
  • Lunes – Biyernes 8:30 ng umaga – 12:00 ng tanghali para sa notaryo

Canadian Consulate sa Cebu, makipag ugnayan sakanila sa pagpapadala ng mensahe sa [email protected] at sila ang mag tatakda kung kailan kayo pupunta. Tandaan na simula Hunyo 22, 2015 sila ay nag nonotaryo lamang 1 araw kada bwan.

Pumunta ng personal sa embahada o konsulado at karaniwang makukuha mo ang Statutory Declaration sa araw din na iyon. Kailangan mong magbigay ng:

  1. Balidong Canadian Passport o Citizenship Certificate
  2. Ang buong legal na pangalan ng iyong mapapangasawa, pagkamamamayan, at address ng tirahan;
  3. Orihinal na Certified True Copy ng final divorce decree o death certificate, kung ikaw ay diborsyado o byuda. Dapat ito ay nakasulat sa English o French o may kasamang official translated copy.
  4. Kailangan mong magbayad ng non-refundable processing fee na CAD$50 o PHP1,730. Maaaring tanungin ang embahada o konsulado kung magkano ang kasalukuyang bayad para sa Declaration. Maaaring magbayad sa pamamagitan ng mga sumusunod:
    • Personal na magbayad ng pera sa Canadian dollars sa eksaktong halaga. Tandaan, hindi tatanggapin ang mga barya/coins.
    • Sa pamamagitan ng Credit Card na may karagdagang bayad sa proseso na sisingilin sa inyong card sa Canadian dollars.
    • Sa pamamagitan ng Postal Money Order o Manager’s Cheque para sa Embassy of Canada sa Philippine peso o Canadian dollars.
    • Hindi tatanggapin ang Philippine Peso na pera/cash..
    • Ang mga nasabing paraan ng pagbabayad ay balido lamang sa Canadian Embassy. Kung sa Konsulado sa Cebu magbabayad: magbayad lamang gamit ang Postal Money Order o Manager’s cheque sa Canadian dollar o Philippine peso..

Kung ikaw ay permanenteng residente ng Canada ngunit walang Canadian Citizenship, makukuha mo ang iyong Statutory Declaration sa embahada o konsulado ng iyong nasyonalidad.

Maaaring hindi tanggapin ng awtoridad ng Pilipinas ang Statutory Declaration (sa halip ay Certificate of Legal Capacity to Contact Marriage na kung saan ay ang karaniwang kailangan ng mga dayuhan) na lagpas anim (6) na buwan mula ng mag apply para sa Marriage Certificate, kaya siguraduhin na mag apply ng isa sa loob ng anim (6) na bwan o mas maaga sa planong petsa ng kasal.

Kailangan mong magkaroon ng Statutory Declaration sa halip na Certificate of Legal Capacity to Contract Marriage kapag mag aapply para sa iyong marriage license. Tulad ng nasabi, dahil ang Canada ay walang centralized civil registrar na sumusubaybay sa mga kasal, ang iyong Statutory Declaration ay kinakailangan tanggapin ng awtoridad ng Pilipinas.

 

Pagkuha ng Marriage License

Ang susunod na hakbang ay ang magkaroon ng Marriage License. Para makakuha ng marriage license ang parehong partido ay kinakailangan magpunta sa Local Civil Registry Office, o LCRO, ng syudad o bayan o munisipalidad kung saan nagmula at nanirahan ang partido ng Pilipino. Mayroong sampung (10) araw ng panahon ng paghihintay pagkatapos mong mag apply bago makuha ang marriage license. Kapag naibigay na, ang marriage license ay balido lamang sa loob ng 120 araw simula sa petsa na ito ay ilabas, kaya siguraduhing iplano ang pagpunta sa Local Civil Registrar sa loob ng 4 na bwan o mas maaga sa planong petsa ng kasal. Kakailanganin ang mga sumusunod na dokumento kapag kukuha ng Marriage License:

Birth Certificate

Sertipikadong kopya ng NSO Birth Certificate o Baptismal Certificate mo at ng iyong mapapangasawa: upang magkaroon ng NSO birth certificate online magtungo sa ecensus.com.ph at sagutan ang electonic form at magbayad online. Kung sakaling nawala o nasira ang birth certificates, maaring mag presenta ng kasalukuyang sertipiko ng paninirahan/residence certificate o instrument drawn up na sinumpaan sa harap ng civil registrar, 15 araw bago ang petsa ng pagkuha ng marriage license. Ang mga dayuhan ay maaring magbigay ng sibil o baptismal certificate of birth o sertipikadong kopya.

Affidavit of Parental Consent or Advice

Kung ang isa sa partido ay may edad na 18 hanggang 21, ang Parental Letter of Consent mula sa ama, ina, o natitirang magulang, o legal na tagapag-alaga ay kinakailangan. Kung alinman sa partido ay may edad na nasa pagitan ng 22 at 25, kinakailangan ng Letter of Advice mula sa magulang ng partido na nagsasabing may kamalayan sa iyong intensyon sa pagpapakasal ay kinakailangan.

CENOMAR O Certificate of No Marriage Record

Ilan sa mga LCROs ay humihingi ng CENOMAR, ito ay makukuha sa NSO mula sa dayuhang partido sa kasal. Ito ay tinatawag din na No Record of Marriage o Certificate of Singleness. Sa Pilipinas kung ikaw ay diborsyada o byuda hindi ka kinukunsiderang walang asawa/single, ngunit “unmarried.” Kung ang iyong kasal sa Pilipinas ay napa walang bisa na,ikaw ay itinuturing na walang asawa/single. Kapag humiling ng Cenomar mula sa NSO kailangan mong magbigay ng:

  1. Iyong kompletong pangalan
  2. Kumpletong pangalan ng iyong ama
  3. Kumpletong apelyido sa pagkadalaga ng iyong ina
  4. Petsa at lugar ng iyong kapanganakan
  5. Kumpletong pangalan at adres ng humihiling na partido
  6. Bilang ng kopyang kailangan
  7. Layunin/gamit ng sertipikasyon.

Kung ikaw ay mayroong naunang kasal sa Pilipinas na hindi pa napa walang bisa, kailangan mo ng kopya ng orihinal na marriage certificate na may anotasyon na nagsasabing ang pagpapawalang bisa ng kasal ay tapos na.

Katibayan ng Pagdalo sa Pre-Marital Counselling at Family Planning Seminar

Ito ay isinasagawa ng Division of Maternal and Child Health, o DMCH, sa munisipyo o lokal na bulwagan ng bayan kung saan kumukuha ng marriage license. Ang ilang LCROs ay hinihingi muna ang katibayan na ito bago magbigay ng Marriage License. Mayroon ding ibang LCROs na pumapayag na makuha muna ang marriage license bago dumalo sa seminars, ngunit bago ang petsa ng kasal.

Iba pang Dokumentasyon

  • Community Tax Clearance ‘Cedula’ (1 orihinal at 2 kopya);
  • 2 balidong IDs
  • Certificate of Legal Capacity to Contract Marriage – karaniwang kinakailangan sa mga dayuhang magpapakasal sa Pilipinas – ay kinakailangan palitan ng Statutory Declaration dahil hindi nagtatala ang Canada ng central statistical registry ng mga kasal.
  • Batayan sa Moral na Pag uugali: dahil sa pagiging maselan ng kasal sa Pilipinas, kinakailangan mong magbigay ng dokumentong ito na nagpapatunay sa iyong katangian at nakaraang batayan mula sa isang tao na nagtataglay ng personal na kaalaman sa iyong pag-uugali at nakaraang batayan. Ang sulat ay nag mula sa:
    • Tao ng awtoridad
    • Manggagawang Panlipunan
    • Pinuno ng Edukasyon o Pangkalusugan
    • Ministro ng Simbahan.
  • Kopya ng pasaporte para sa dayuhang partido.

Pagaapply para sa Marriage License

Kung nasa iyo na ang mga kinakailangan na dokumento para sa Marriage License:

Maaari kang kumuha ng kopya ng Marriage License application form sa Local Civil Registry Office, LCRO, at punuan ito, ang kaliwang bahagi ay para sa ikakasal na lalake. Ang kanang bahagi ay para sa ikakasal na babae.

Ipasa ang kumpletong sinagutan na form sa Local Civil Registry Office maaaring sa umaga o pagkalipas ng oras ng tanghalian upang makaiwas sa mahabang pila.

Dalhin ang iyong claim slip kung hindi pa kayo nakakadalo sa pre-marital counselling at parental planning seminar, ay naglalaman ng paalala na dapat itong gawin. Gamitin ang katibayan ng pagdalo/certificate of attendance at ang claim slip upang makuha ang iyong marriage license. Kinakailangan mong maghintay ng hindi bababa sa 10 araw bago mo ito matapos.

Kapag naibigay na, ang marriage license ay balido lamang sa loob ng 120 araw.

Kung kayo ng iyong kapareha ay namuhay na ng magkasama sa loob ng 5 taon, hindi nyo na kinakailangan ng marriage license, hangga’t walang legal na humahadlang sa pagpapakasal sa loob ng peryodiko ng paninirahan ng magkasama. Ito ay alinsunod sa Artikulo 34 ng Philippine Family Code.

Kinakailangan mo din magbayad. Siguraduhin na ikaw ay nakikipag-usap sa tamang opisyal ng Local Registry Office kapag nag babayad.

Kasal sa Simbahan sa Pilipinas

Mga karagdagang kinakailangan: maliban sa mga opisyal na dokumento na iyong kailangan, para sa kasal sa simbahan kailangan mo ng:

  1. Balidong marriage license na ibinigay sa loob ng nakalipas na 120 araw.
  2. Baptismal at confirmation certificates alinsunod sa sakramento ng Simbahan. Ang mga kopya ng sertipiko ay kailangang bago o nakuha 3 buwan o mas maaga pa bago ang petsa ng kasal. May mga parokya na hindi nakakapag bigay ng digital na kopya at natatagalan sa pagbibigay ng baptismal at confirmation certificates. Simulan sa madaling panahon ang inyong paghingi sa mga sertipikong ito kung kayo ay nagpaplano ng kasal sa simbahan.
  3. Birth Certificates at CENOMAR na nagmula sa NSO.
  4. Ipakita na kayo ay dumalo sa Marriage preparation seminars na isinasagawa ng parokya ng simbahan kada buwan. Bilang kahalili maari kang dumalo sa mga binibigay ng mga grupo gaya ng::
    • Catholic Engaged Encounter (CEE), o
    • Center for Family Ministries (CEFAM), o
    • Discovery Weekend Philippines (DM).

Siguraduhing magkakaroon ng mga sertipiko ng pagdalo sa mga seminar na ito.

Kinakailangan mo din gawin ang mga sumusunod:

  • Canonical Interview: makipagkita sa pari ng parokya o sa kanyang katulong sa simbahan kung saan kayo ikakasal. I-iskedyul ito 1 o 2 buwan bago ang pakikipanayam at maari kang bigyan ng listahan ng mga tanong upang ikaw ay makapaghanda kapag ito ay itinanong saiyo.
  • Marriage banns/tawag sa kasal/Proklamas: hilingin na ianunsyo ang inyong kasal sa parokya at ito ay ipapaskil sa loob ng 3 linggo, pagkatapos nito ay makukuha na ang sulat mula sa opisina ng parokya na nagsasabi na walang nagpakita ng pag hadlang sa kasal.
  • Magpasa ng listahan ng mga abay at mga isponsor na dadalo sa iyong kasal sa simbahan.
  • Confession/Kumpisal: May mga simbahan na kinakailangan mag kumpisal ng ikakasal na babae at lalaki ilang araw bago ang kasal.

Kasal sa Huwes sa Pilipinas

Ang kasal sa huwes ay karaniwang isinasagawa ng isang hukom/judge ng Regional Trial Court, o RTC, o Mayor/Alkalde ng lungsod o bayan. Ito ay mas mabilis at mas mura kumpara sa kasal sa simbahan. Kakailanganin mo ng mga sumusunod:

  1. Marriage License;
  2. Baptismal o Birth Certificates para sa ikakasal na babae at ikakasal na lalake.
  3. Community Tax Certificates o CEDULAS ara sa ikakasal na babae at ikakasal na lalake.
  4. Certificate of attendance/Katunayan ng Pagdalo sa Pre-marital seminar;
  5. Letter of intent to Marry/Sulat na Layuning Magpakasal na may pangalan at pirma ng magkabilang partido pati na rin ang planong petsa ng kasal.
  6. Kung ikaw ay Byuda, kailangan mong magpakita ng Certified True Copy of Death Certificate ng iyong yumaong asawa;
  7. Kung ikaw ay diborsyado kakailanganin mo ng Final Decree of Absolute Divorce. Para sa mga dayuhan, ang inyong divorce decree ay kailangang ipasa para kilalanin sa nauukol na Regional Trial Court, o RTC. Ito ay isang mahabang proseso na inaabot ng 6 buwan at nangangailangan ng legal na tulong o abugado at ang kasamang gastos. Mag plano kaagad kung ikaw ay diborsyado. Siguraduhin din na ang iyong Pilipinong mapapangasawa ay hindi pa naikakasal at wala pang nakarehistrong kasal sa NSO, maliban na lamang kung ang kasal ay annulled/pinawalang-bisa na.
  8. Statutory Declaration (para sa Canadian Citizens) sa halip ng Certificate of Legal Capacity to Marry (para sa dayuhan na ang bansa ay may Civil Registrars na mayroong statistical records of marriages).
  9. Passport/Pasaporte photocopy/kopya.

Ipasa ang inyong Letter of Intent to Marry kasama ang inyong Marriage License sa opisina ng Mayor. Makakahingi ng apruba sa inyong napili mong mamuno sa seremonya – sa RTC judge o sa Mayor.

Kakailanganin ng 2 saksi na nasa legal na edad.

Kailangang magbayad ng filing fee upang makakuha ng kopya ng inyong Marriage Certificate.

Pagkuha ng Marriage Certificate

Ang inyong marriage certificate ay kinakailangan pirmahan ng mga saksi at ng kinasal. Ito ay makukuha karaniwan sa loob ng 1 hanggang 2 buwan pagkatapos ng kasal. Kung kukuha ng marriage certificate kinakailangan mong magbigay ng:

  1. Kumpletong pangalan ng asawang lalake;
  2. Kumpletong pangalan ng asawang babae;
  3. Petsa ng kasal;
  4. Lugar kung saan idinaos ang kasal;
  5. Kumpletong pangalan at tirahan ng humihinging partido;
  6. Bilang ng kopyang kailangan;
  7. Saan gagamitin ang sertipikasyon.

Listahan ng konsulado ng Pilipino sa Canada

Embahada sa Ottawa

Pagtawag sa Pilipinas mula sa Canada

  • Ang exit code para sa Canada ay 011
  • Ang code ng bansa ay 63
  • Idayal ang 011 – 63 – area code – lokal na numero/local number

Area code sa mga pangunahing lugar sa Pilipinas

Angeles 45 Dumaguete 35 Navotas 2
Antipolo 2 General Santos 83 Olongapo 47
Bacolod 34 General Trias 46 Paranaque 2
Bacoor 46 Iligan 63 Pasay 2
Baguio 74 Iloilo 33 Pasig 2
Baliuag 44 Imus 46 Quezon 2
Batangas 43 Las Pinas 2 Roxas ** 78
Binan 49 Lapu-Lapu 32 San Fernando ** 72
Binangonan 2 Lipa 43 San Jose del Monte 44
Butuan 85 Lucena 42 San Pablo 93
Cabanatuan 44 Mabalacat 45 San Pedro 2
Cabuyao 49 Makati 2 Santa Maria ** 44
Cagayan de Oro 88 Malabon 2 Santa Rosa ** 49
Cainta 2 Malolos 44 Tacloban 53
Calamba ** 49 Mandaluyong 2 Taguig 2
Calbayog 55 Mandaue 32 Talisay ** 32
Caloocan 2 Manila 2 Tanza 46
Cebu 32 Marawi 63 Tarlac 45
Cotabato 64 Marikina 2 Taytay 2
Dagupan 75 Meycauayan 44 Toledo 32
Dasmarinas 46 Muntinlupa 2 Valenzuela 2
Davao 82 Naga 54 Zamboanga 62

Pagtawag sa Canada mula sa Pilipinas

  • Ang international code ay 00
  • Ang code para sa bansa ng Canada ay 1
  • Idayal ang 00 – 1 – area code – lokal na numero/local number

Area Codes of Canada

Province Code Province  Code
Alberta 403 / 587 (southern Alberta)

587 / 780 (central and northern Alberta)

Nunavut 867
BC 236 / 250 / 778 (majority of BC)

236 / 604 / 778 (Metro Vancouver)

Ontario 226 / 519 (southwestern Ontario)

249 / 705 (northeastern Ontario)

289 / 365 / 905 (Greater Toronto Area)

343 / 613 (eastern Ontario)

416 / 647 (Toronto)

807 (northwestern Ontario)

Manitoba 204 / 431 PEI 782 / 902
New  Brunswick 506 Quebec 418 / 581 (eastern Quebec)

438 / 514 (Montreal)

450 / 579 (Greater Montreal)

819 / 873 (remainder of Quebec)

Newfoundland and Labrador 709 Saskatchewan 306 / 639
Northwest Territories 867 Yukon 867
Nova Scotia 782 / 902

Pagkakaiba ng Oras/Time Difference

Canadian Time Zone # of Hours Philippines is Ahead # of Hours during DST
Pacific (BC, Yukon) 16 hours 15 hours
Mountain (Alberta, western Nunvaut, Lloydminster, Saskatchewan) 15 hours 14 hours
Saskatchewan 14 hours 14 hours
Central (Manitoba, Northwest Territories, central Nunavut, northwestern Ontario) 14 hours 13 hours
Eastern (most of Ontario, most of Quebec) 13 hours 12 hours
Atlantic (Labrador, New Brunswick, Nova Scotia, PEI, eastern Quebec) 12 hours 11 hours
Newfoundland 11.5 hours 10.5 hours

Konsulado ng Canada sa Pilipinas

Embahada ng Canada sa Maynila

6th, 7th, and 8th Floors, RCBC Plaza Tower 2
6819 Ayala Avenue
Makati City, Manila
Philippines

Postal Address
P.O. Box 2168, Makati City 1220, 1261 MakatiPhilippines

Telephone: 63 (2) 857-9000 or 857-9001
Fax: 63 (2) 843-1082 E-mail: [email protected], [email protected]
Website: philippines.gc.ca

 


View Larger Map

Konsulado ng Canada sa Cebu

45-L Andres Abellana Street
Cebu City 6000
Philippines

Telephone: 63 (32) 256-3320
Fax: 63 (32) 255-3068 E-mail: [email protected]
Website: philippines.gc.ca

 


View Larger Map

Pagdadala ng Regalo sa Pilipinas

Gamit na walang binabayarang buwis/Duty-Free

Para sa mga pasahero na higit 18 taon gulang:

  • 400 sigarilyo o 50 sigarilyo o 250 gramo ng tabako
  • 2 bote ng alak hindi lalagpas ng 1 litro kada isa
  • Binibigyan pahintulot ng Duty free para sa mga espesyal na pasahero, ang residenteng Pilipino na tumagal sa ibang bansa ng mahigit 6 na buwan ay maaring magdala ng mga kagamitan sa bahay at personal na gamit hanggang sa halagang katumbas ng PHP 10,000.
  • Para sa mga nag trabaho ng ayon sa kontrata, mga personal na gamit na may katumbas na halaga ng PHP 10,000 at mga gamit na kasangkapan sa bahay, limitado sa 1 piraso kada klase, katumbas na halaga hanggang PHP 10,000.
  • Libreng pagdadala ng hanggang USD 10,000 o katumbas ng pera ng ibang bansa. Ilan mang halaga na hihigit sa nasabing halaga ay kailangang ipahayag.

Limitadong Gamit/Restricted Items

  • Lahat ng uri ng halaman, gamit sa pagtatanim, prutas at gulay ng kahit anong bilang ay kinakailangan ng permit upang iangkat at kailangang ipahayag kaagad sa oras ng pag dating.
  • Lahat ng uri ng hayop ay nangangailangan ng sertipikasyon mula sa propesyonal na beterinaryo at mayroong health certificate mula sa pinagmulan na nagsasabi na ang hayop ay hindi na lantad sa anumang nakakahawang sakit. Ang permit ay nagmula sa Bureau of Animal Industry.
  • Ang pusa at aso ay nangangailangan din ng sertipikasyon ng pagbabakuna laban sa rabies (nakuha mula sa pinagmulan). Kailangang ipagbigay-alam kaagad ng Station Manager ng Airline sa Quarantine Inspector sa Maynila 24 oras bago pa ito makarating sa Pilipinas. Ang mga alaga ay maaaring dalhin sa pamamagitan ng pag bitbit/hand baggage o bilang kargo.
  • Libreng pagdadala ng hanggang PHP 10,000 ng lokal na pera. Ang higit pang halaga ay kinakailangan ng awtorisasyon mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas.

Ipinagbabawal na Gamit

  • Baril at mga parte ng sandata, bala at mga pampasabog.
  • Malaswang materyal.
  • Droga o gamot para sa aborsyon.
  • Makina sa pag susugal at ang mga naturang bagay (jackpot o pinball machines,lottery sweepstakes).
  • Tiket, makinang hinuhulugan ng barya.
  • Anumang uri ng metal na walang indikasyon ng kalidad.
  • Maling pangalan na gamot o pagkain.
  • Ipinagbabawal na gamot at halaman/buto na ginagamit sa pag gawa ng ipinagbabawal na gamot (dahon ng coca, poppy, at marijuana) pati na din ang mga pipa at aksesorya sa paninigarilyo.

Pag Lalabas ng Kalakal mula sa Pilipinas

Limitadong Gamit/Restricted Items

  • Lokal na pera na higit sa 10,000 piso ay nangangailangan ng awtorisasyon mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas. Ang pinanggalingan at dahilan sa pagdadala ng halagang ito ay kailangan ipaalam at idokumento.
  • Pera ng ibang bansa na higit sa USD 10,000 o katumbas ng halaga ng pera ng ibang bansa ay kailangang ipaalam. Ang pinanggalingan at dahilan sa pagdadala ng halagang ito ay kailangan ipaalam at idokumento.

Ipinagbabawal ng Gamit

  • Sandata (kasama ang mga laruang baril) at bala.
  • Pampasabog.
  • Malaswang materyal.
  • Gamit sa pagsusugal at mga katulad na bagay.
  • Mamahaling metal at mga alahas na walang tanda.
  • Droga.
  • Pipa na pang sigarilyo.

Pag Petisyon ng Asawang Pilipino Papunta sa Canada

Upang mas maunawaan ang tungkol sa proseso ng magiisponsor pindutin sa ibaba.

Are you planning to live in Canada with your spouse?
Here are some helpful articles:
How to get married in Canada to a foreigner? 
Can I bring my boyfriend/girlfriend to Canada? 
Free Spousal Sponsorship Course
Paid Support from Immigroup: Sponsorship

=
Also find these contents interesting